kwentong kalye vol. 1
nakakain ka na ba ng isaw? sarap diba? pero nakita mo na ba ang proseso ng paggawa nito?
kasi may kamag-anak kami na taga-village east na gumagawa ng bbq atpb. pangalan ng store nila
ay 'bbq corner'. tapos pagpupunta ako doon, libre lahat, kahit ano ang kainin ko. kapatid kasi ng tatay ko yung nagpapatakbo nun. tapos isang araw, sinamahan siya ng tatay ko
sa palengke. sinama naman ako. napagalaman ko na sa palengke sa marikina bumibili ng karne at laman loob ang tito ko, kaso nalimutan ko na yung pangalan ng tindahan. tapos kilo kilo ng intestine at karne ang binili niya. mejo curious pa ako noon kung ano ang intestine na "FRESH" from d' market. pagsilip ko sa bag na nilalagyan nito, may nakita akong mga puti na gumagapang. parang maggots ata. tapos sabi ng tatay ko, "kaya hindi ka pwede kumain ng isaw anak.. ako nga hindi ako kumakain ng isaw". akala ko naman, pagkaing kalye ang isaw kaya bawal ako kumain ng nito. may creepy crawlers pala sa isaw. nakain na ako ng isaw pero lingid iyon sa kaalaman ni daddy. nagyon, kahit libre, hindi na ako kumakain ng isaw. nililinis naman yan e kaya ok lang. kaso kung nakita mo lang ang nakita ko, siguro hindi ka na rin kakain ng isaw sa buong buhay mo.
nung una ako makatikim ng isaw, sinabayan ko pa iyon ng betamax o dugo. ok naman e. masarap din naman in a cosmic sort of way.
tapos isa pa noong nasa probinsya kami. nagkatay sila ng baboy. tapos nakita ko rin kung paano lininis ang intestine ng baboy. nung patay na yung pig at naka tirik na sa isang pole ang ulo ng baboy, nakita ko kung paano linisin ang intestine nito. marami pa ngang dumi o manure sa intestine ng baboy. tangina pare, hindi ko alam kung uubusin ko pa yung manggang kinakain ko nun o isuka yung nakain ko. ang masaklap dito, nakita ko na nagtatawanan lang yung mga tao. isa dun e yung pinsan ko. inisip ko nalang na bahala kayo, inyong inyo na ang intestine na yan.
hindi naman sa wag ka na kumain ng isaw. ang sa akin lang, hindi ako kumakain ng isaw dahil sa mga traumatic childhood experiences ko. dapat ata nagpikit ako ng mata noon.
e pag gawa ng pandesal.. gusto mo malaman?
meron din kaming kapit-bahay na nagtitinda ng 'dirty-ice cream', gusto mo tignan ko kung
paano nilalagyan ng queso ang chese ice cream.
meron ding dumadaan na mangtataho, yon madali lang. kasi noong bata pa ako, bumibili na ako sa kanya. tatanong ko kung ano ang nagpapasarap sa arnibal(syrup).
meron din dumadaan na nagtitinda ng tilapia, takot ako dun, kasi sabi witch daw siya. kaya mahihirapan ako malaman kung saan niya nabibingwit ang mga tilapia niya.
o ano, i reresearch ko na ba? o gusto mo lang maging inosente at makulay ang buhay mo..
baka ayaw mo na rin kumain ng pandesal nyan.. hahaha
0 Comments:
Post a Comment
<< Home