Google

Wednesday, May 4

the dyipni experience

sa tagal kong nabubuhay dito sa earth, hindi na bago sa akin ang pagsakay sa dyip
papunta o pauwi sa bahay. hindi naman ako araw-araw sumasakay sa dyip.

marami kasing klase ang mga dyip


champion sa break
-ang mga dyip na ito yung mga tipong, mayayanig ang katawan mo kapag pumreno si mamang driver. meron kasi minsang mabilis magpatakbo, tapos kung mag-ppreno e bigla-bigla na lamang. champion nga!

jurassic
-eto yung mga tipo ng dyip na hindi mo alam kung paano pa nakakatakbo sa kalsada. puro kalawang at halos mahulog yung engine ng vehicle dahil sa hindi na pinapaayos. hindi ako nagbabayad kaagad sa mga jeep na ito dahil nangyari na sa akin ang masiraan sa ganitong jeep at halos magkagulo ang mga pasahero sa pagkuha ng binayad nila.

dj mix
-maingay. todo todo ang sounds dito pare. kailangan isigaw ang PARA upang marinig ni driver. mahilig sa mga guns and roses, bon jovi, michael learns to rock , queen at kung ano ano pa ang mga jeep na ito.

art attack
-eto naman yung mga jeep na ginawang canvas ng mga artist sa sarao o LGS motors. makikita mo rito ang mga tulad nila bugs bunny, batman, spiderman, eugene o sakuragi sa katawan ng mga jeep. pag-nasa loob naman, makikita mo na kadalasang may pangalan o initials ng pamilyang nagmamayargi ng jeep sa may kisame sa loob ng jeep. sa likuran naman ng driver kadalasan ay may nakalagay na

"push D button 2 STOP"
"pull D sting 2 STOP"
"barya lang sa umaga"
"God bless our way"
"walang masikip sa driver na mapilit"

eto naman ang mga komponents ng "the dyipni experience"

conduction
-uso na rin sa mga dyip ang pagkakaroon ng personal assistant o konduktor. kadalasan e masusi ang pagpipili sa mga ito. meron pa nga yata silang qualifications na dapat makuha.
  • madaldal
  • bawal ang mahiyain
  • bungi
  • walang ginagawa sa bahay
  • marunong humawak sa pera
  • marunong kumausap sa police
kaya hinde rin basta basta maging konduktor.

barker
-sila naman ang mga tumatawag sa mga passengers para sa dyip. sinisigaw nila ang destinasyon ng dyip na sasakyan. hindi sila kaano-ano ng konduktor, kadalasan ay mga tambay ang mga ito sa mga terminal o sakayan ng dyip. malakas din ang mga boses ng mga ito. kapag napuno ang dyip, may binibigay na konting consulation sa mga barker para maengganyo tumawag ng mga pasahero sa susunod. sila yung kadalasang nag sasabi ng "kaliwa't kanan pa yan","sampuan dito sa kaliwa.." at "pakiayos lang po ang upo" sa mga pasahero kahit na punong puno na ang dyip.

driver
-bale siya yung nag ddrive ng jeep

passenger
-ito yung mga sumasakay sa jeep tulad mo at ako. sa jeep mo lang makikita ang iba't ibang species ng tao sa pilipinas. hindi naman sa creatures ang tingin ko sa mga tao. pero halo-halo talaga ang mga sumasakay dito. napatunayan ko rin na hindi nga talaga nagbabayad ang mga cops sa jeep dahil may nakatabi ako na cop kailan lang at nakita ko na dinaan lang niya sa kindat.

paano ko nga ba mararanasan ang "the dyipni experience"?

una, maghanda ng barya
pangalawa, pumunta sa may sakayan
pangatlo, makinig sa barker kung saan patungo ang dyip
ika-apat, magbayad ng sapat na pasahe sa conduktor
panglima, amuyin, titigan, *dilaan, kausapin, *dukutan, makipagsiksikan sa iba pang nakasakay dito
sixth, ipaubaya na ang lahat kay manong driver

at tandaan, pumara lamang sa tamang babaan.


*-optional

1 Comments:

At 11:57 PM, Anonymous Anonymous said...

oo! sa DJ Mix kami nakasakay noong pangalawang NSTP meeting! Ang saya grabe! buti nalang hindi kailangan sumigaw ng "para" hehehe

 

Post a Comment

<< Home