Google

Wednesday, April 27

fans

ako ang iyong tagahanga

pasulyap sulyap, at hindi mahuli sa mga nakaw kong mga tingin.

hinangaan kita noon pa man, mula sa pahayagan at sa magasin,

pinanood sa telebisyon at inabangan sa bawat sulok o kanto sa lansangan.

milyon milyon ang humanga sa iyo, milyon milyon na ang nakita mo.

hindi na nakapagsalita ng ika'y nakaharap.

buka ang bibig, buka ang mata ngunit sarado ang damdamin

dahil isa lamang ako sa milyon milyong humahanga sa iyo.

hindi kita pwede solohin at iuwi kay inay, hindi kita pwede isama sa aking pupuntahan.

dahil sa ilalim ng ilaw at likod ng kamera ang iyong lugar.

kailangan kita ihati sa iba pang humahanga sa iyo.

napakarami nila..

hindi tayo pwede magkasma dahil ikaw ay hanggang tanaw lamang sa akin,

hanggang sa mga nakaw kong mga tingin at sa mga ginupit na litrato na dinikit lamang sa pader.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home