Google

Sunday, April 24

essay

eto ung 1st essay ko sa filipino. sabog talaga ako ngayon



Ngayong tag-init, dinudumog ng mga tao ang iba't ibang mall sa siyudad. Hindi na bago sa akin ang maglibot at mag istambay sa mall kasama ang aking mga kabarkada o pamilya. Pero hindi ko pa nasusubukan ang manatili sa isang tindahan o pamilihan sa loob ng mall sa buong araw. Para maiba, naisip ko na na palipasin ang isang araw sa loob ng National Bookstore na matatagpuan sa Q-plaza sa Cainta. Napili ko ang nasabing lugar dahil sari-saring tao ang makakasalamuha ko doon at kung biglang tamarin ay marami naman ang libro na pwede basahin sa paligid.
Inumpisahan ko sa pagbabasa ng mga magasin at komiks para malibang at matawa. Masarap magbasa ng komiks at magasin doon dahil marami kang katabi na nakikitawa at nagpapakasaya sa kani-kanilang binabasa. Nang matapos ako magpaaliw ay naisipan ko puntahan ang lugar kung saan makikita ang mga nobela. Kumpara sa nauna ko na napuntahan, hindi karamihan ang tao ang umistambay dito. Napansin ko rin na konting tingin sa litrato ng libro at pagsusuri sa kapal nito ang mga namimili at pagkatapos ay ibababa uli na parang walang nangyari. Nang ako ay lumibot sa lugar, mas marami ang namimili ng mga gamit para sa iskwela o opisina kumpara sa namimili ng libro. Nagtaka ako kung bakit National Bookstore ang pangalan ng tindahan, dahil hanggang tingin at tawa lang ang epekto ng libro sa tao? Kung nakakapagsalita lamang ang mga libro, marahil ay isinisigaw na nila na sila ay pansinin ng mga namimili. Mas mabenta ang papel dahil walang nakasulat dito at dahil kahit na ano ang maaaring gawin dito tulad ng eroplano o bangka. Ang mga libro kasi ay puro salita, at kung isa kang maggagawa o empleado sa opisina; almusal, tanghalian at hapunan mo ang salita.
Habang binababa ang malapad at makapal na bakal na nakapalibot sa National Bookstore, madilim na ang loob ng tindahan. Nadiskubre ko na mabenta ang komiks at mahilig gumawa ng bangkang papel ang mga Pilipino.

pwede na siguro ito..

1 Comments:

At 11:27 PM, Anonymous Anonymous said...

Astig! Thanks for posting it! Ngayon nanakawin ko ito hehehe... *copy-paste*

bwahahahaha!!!

 

Post a Comment

<< Home