Google

Monday, April 18

day fifteen

labinlimang araw na ang nakalilipas noong una akong magpunta rito.
sa labinlimang araw na iyon e natutunan kong marami ang namamatay,
tumaas ang presyo ng gasolina at dapat ay natutulog na ako ngayon..
  1. sa lugar kong ito, iisipin na ano nga ba ang pakialam ko sa mga problema na ito?
  2. paano ba ito nakakaapekto sa akin at sa ibang mga tao?
  3. at ano ba ang magagawa ko?
isa lang naman ang sagot sa lahat na iyan e. wala
masakit mang aminin o sabihin, yun talaga ang kahihinatnan ng lahat ng ito.

dahil kung isa akong guolng ng kotse at halimbawa e doon sa apat na gulong
ay nabutas ang isa,hinde ko naman pwede ayusin ang nasirang gulong. patuloy
lang ang pag gulong ko kahit na mabutas o masira ng tuluyan ang gulong na iyon.

ang mahirap dito e, ganyan sa pilipinas. lahat tayo e gulong. at kung tutuusin,
puro overweight ang mga taong nakasakay sa atin. at kung mabutas ang isang gulong,
natural lang na palitan ang nabutas na gulong at itinatapon o sinusunog.

gusto ko ang pilipinas
tanggap ko na pilipino ako
mahal ko ang mga pilipino
pero ayoko lang ang pagpapatakbo dito.

wala akong alam sa gobyerno ni ibang batas e hindi ko alam.
pero sa nakikita ko, hindi kailangan ng college degree para mapansin na naghihirap
talaga ang pilipinas.

at hanggang ngayon e wala pa rin akong magawa tungkol dito.
malungkot diba? malungkot isipin na pinapanood ko lang bawat
araw sa kalsada ang mga naglilimos at nagtitinda ng sampaguita, masakit sa
mata ang mga ito. masakit dahil mayroong panggawa ng mga shade at overpass,
pero walang magawa ang gobyerno para maabot ang mga pangarap ng mga mahihirap.

kung may mahirap, may mayaman.
kung walang mayaman, wala ring mahirap.

ganun lang kasimple yun e. pero sinong gago ba naman ang ayaw maging mayaman?
hindi pa pinapanganak ang gagong iyon.

labinlimang araw at eto ang naiisip ko.
siguro kulang lang ako sa tulog.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home