day fourty
kani-kanina lamang ay iprinisenta namin sa dakila naming guro
ang mga nais naming paksa ukol sa talumpating gagawin sa susunod
na linggo. napili ko ang paksa ukol sa blogging o online journal. ok naman,
ayos na ang lahat ng itatalakay ko. NGUNIT! napagalaman ko mula
sa isa kong kaklase sa filipino na mayroon ding isa pang bata na gusto
talakayin ang blogging sa Pilipinas. sabi ko, shucks pare, thats my idea!.
tapos pabiro kong sinabi na, pasensyahan nalang kami, first come first served.
hindi naman sa ayaw kong magkapareho ang ipapakita o itatalakay sa klase.
ang problema ko, magaling magsulat si gago. yari ako dun. kakainin siguro ako
ng buhay sa content at ideas lalo na yung mejo abstract. ang laban ko lang
sa kanya ay may 'dating' ako magpresent sa harap ng class. makapal na ang mukha
ko pagdating sa mga ganayan, lalo na at grade ang pinaguusapan. hindi ako mag
papatalo sa kanya presentation wise, pero baka magkulang ako ng konti sa content.
tapos mamaya, kailangan ko pa panoorin yung dula na dinirect ng fil teacher ko.
hassel. pero kailangan kasi may papel nanaman na isusulat ukol sa dula. review daw.
isang week na lang, tapos na ang summer classes. regular sem na ang aabangan.
masarap kumain ng nerds. mainit ang panahon. kahit nakaupo lang ako dito,
pinagpapawisan na ako. cge yun lang, magpapa air-con nalang ako sa kwarto
at manonood ng spongebob squarepants the movie for the first time.
excited na ako.
1 Comments:
di ko alam kung paano e. hehehe
Post a Comment
<< Home