kuya
nasubukan mo na bang mag-bilang ng bituin?
ako.. hindi pa. madami kasi. nakakatamad.
wala lang. wala kasi magawa dito sa amin.
nakakatamad talaga. napapalibutan ng semento.
mabuti na lamang at may maliit na bintana.
kahit na paano, nakikita ko ang ulap, ang lupa
at ilang puno. kamusta na sila?
minsan nakikinood ako kila congressman.
may air-con kasi doon. masarap umistambay doon,
lalo na ngayon at mainit ang panahon.
maputi na ako kumpara noong araw.
buti ka nga, kita mo ang buong mundo.
bilangin mo naman ang mga bituin sa langit
para may maipagmayabang ako dito..
cge, sa uulitin, kuya.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home