mother's day
mothers day. kung tutuusin, parang walang nagyari ngayon. wala, wala ako ginawa, ni hindi ko masabi ng may dating ang "Happy Mother's Day!" sa nanay ko. Hindi naman kasi ako plastic na bigla na lamang manlalambing dahil mother's day. kaya parang normal nga na araw lang ngayon. pero naalala ko nung mas bata pa ako. madalas kong gawin noon ay card o namimitas ako ng flowers sa kapitbahay. wala naman kasi ako pera noon para bumili ng necklace o bag. pero nung gawin ko yun ngayon, hindi na rin siguro maganda ang dating sa kanya, parang hindi na ako lumaki kung ganoon na lang parati. pag-tinatanong nga sa akin kung ano gift ko sa kanya, sinasabi ko na kiss. natutuwa nga siguro siya, pero syempre sawang sawa na kabaduyan ko yun. kaya nga nag-ipon ako ng pera para bilihin ko yung gusto niya. bahala na bukas, magada nga yung hindi niya alam para lalo siya masorpresa. wala nga ako sinasabi sa kanya na may bibilihin ako. kaya kung makuha nya yung gift ko sa kanya, baka matuwa din siya. ang problema ko kasi e hindi naman ako marunong pumili ng mga gift. maganda sana yung magagamit niya parati, pero hindi yung tipong ballpen o pad-paper. siguro kung ano man yung mapili ko bukas, ok sa kanya, kasi hindi naman ako siguro gagalitan kung bakit iyun lang ang nabigay ko sa kanya. alam naman nya siguro na wala akong hilig o alam sa pamimili. bahala na. kung wala ako makita, baka mamitas nalang uli ako ng bulaklak, hehehe.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home