Google

Thursday, August 9

Hindi ko sukat akalain na sa mundong aking ginagalwan, sinasabayan ang aking kilos ng ikot nito.

Isa lamang akong bahagi ng mundo. hinihintay ko lamang na kahit sa isang sandali ay tumigil ang ikot nito.

Sa kanyang pag-tigil, maari kong ibalik ang mga araw na lumipas at naiwan dahil sa bilis ng takbo ng mundo.

Habang mahimbing na namamahinga ang mga tao, ako ay tumatakbo na kasing bilis ng ikot ng mundo.

Hinahanap ang mga panahong nabaon sa limot. Hinahabol ang kasalukuyang hindi mabigyang kahulugan.

Mapapagod ako sa kahulihulihan.

Yun ang aking tiyak na kinabukasan. At sa pagkakataong ipipikit ang aking mata, ako ay mananaginip.

Na sa habang buhay, kasabay ko na umikot ang mundo/

0 Comments:

Post a Comment

<< Home