wala lang
minsan, nakakalimutan ko na tao pala ako.
kung saan saan bumabangga..
kung saan saan nadadapa..
minsan nga, hinangad kong lumipad.
wala naman kasi akong pakpak.
ni maglakad nga, nahihirapan na.
kung minsan naman, gusto ko tumakbo ng mabilis.
pero hindi ko pa rin mahabol ang pedicab ni mang jose.
mura lang ang gasolina ko. piso piso lang na ice tubig,
nakakaraos na.
sinubukan ko na rin magpagulong gulong mula sa bundok.
pero masyadong matarik. halos mabali na lahat ng buto ko.
"wala lang" ganyan naman lagi ang dahilan.
"wala lang" kasi wala ring kakwenta kwenta ang pinagagagawa.
kaya kahit na dalawa lang ang kamay ko.
dalawang paa, dalawang tenga, dalawang mata
at ilong na maganda..
tao parin ako dahil nagagawan ko ng paraan
na bigyan linaw ang "wala lang" sa buhay ko.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home