high school classics
for a few weeks, i'll be posting some parts of my old projects/homeworks/reflections i did when i was still a high school student.. just because i can't think of anything to write now that iam in college.
KONSEPTO NG MAIKLING PELIKULANG PILIPINO.
E. Balangkas
1) Nasa silid aralan si Jeremy at nasa kalagitnaan sila ng klase.
2) Ipapakita na tinatamad lahat lalo na itong si Jeremy
3) Bumibigat na ang mga mata ni Jeremy hanggang mapapikit ito. Didilim ang iskreen.
4) Nasa ibang ligar na siya, madilim at malagubat ang dating.
5) Makikita niya na napapaligiran siya ng mga nakahandusay na mga kaklase niya sa paligid at may lasing na nasa harapan, kamukha ang guro niya.
6) Biglang mabubuhay ang mga nakapaligid sa kanya at sinasabi na “tulungan mo kami”.
7) Lalapit ang laseng at hahatawin niya ng bote sa ulo ang bida.
8) Yun ang hudyat ng pagkagising at ipapakita na hinataw pala siya ng guro sa ulo. Tutunog ang hudyat at tuwang-twan na nagsialisan ang mga estudyante.
9) Si Jeremy ay pupunta sa isang kompyuteran at doon muna titigil.
10) Kilalang-kilala siya doon at pinupuri siya ng mga tao.
11) Habang naglalaro ay bigla uli mapupunta siya sa isang panaginip.
12) Sa gubat muli ang ligar ngunit hindii gaano madilim at mapanglaw ang itsura
13) Mapapansin niya na may mga kasamahan siya at may dalang baril
14) Magtataka siya at litong-lito ngunit ipapaliwanag ng mga kasama niya roon ang situwasyon.
15) Bigla namang masasabak sila sa isang giyera at unti-unting nauubos ang mga kasama ni Jeremy.
16) Nang nag-iisa na lang ang bida ay magtatago siya sa likuran ng isang harang o parang isang malaking karton.
17) Doon ay magmumuni-muni siya at hindi matanggap ang nagyayari sa kanya sa kasalukuyan.
18) Kahit na napakadami ng mga kakalabanin niya ay tumuloy pa rin siya at sinugod ang kalaban
19) Tunay na mahusay si Jeremy ngunit sa dami ay hindi niya kayang talunin ang kalaban.
20) Mamatay siya sa laro at biglang babalik ang kamera sa silid-aralan. Walang tao roon at may isang bote ng beer sa podium.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home