Google

Monday, October 3

mag-aral

bakit lahat nalang ng bagay nagbabago?
gaya ko, isang magaaral..
bakit kailangan ko pa mag-aral..
hindi pa ba sapat ang simple addition na natutunan ko noong grade school..
ang pagkakabisa ng mga pangalan at petsa noong panahon..
at ang pagmemorya ng abc's at 10 little indians noong prep pa ako..

kaya hindi mawala sa isip ng mga mag-aaral ngayon..
ano pa kaya ang silbi ko sa paaralan?
parang halaman lang naman ako na nadidiligan kung kinakailangan ng mga hardinerong
nabayaran mismo ng mga halaman. at bakit ayaw nila gumamit ng fertilizer o pampataba
sa kanilang pagtuturo para mapabilis ang pumapasok na impormasyon .

masarap mag-aral, pero hindi na tayo nagaaral para matuto..
nag-aaral na tayo para makauha ng A sa card, magandang trabaho at kalaunan, maraming pera.
kaya minsan, nakakinis na ang magaral..
hindi na nga dapat pag-aaral ang tawag sa ginagawa natin..

wala din naman akong kilala na tao na nagsabing nagaaral siya para may matutunan..
minsan ang idadahilan niya ay
may test kasi bukas
finals na, baka ma kick-out pa ako
kailangan kong pumasa.. sayang naman ang pera kung uulit pa..

at ang dahilan naman ng mga teacher kung bakit mag-aral tayo ay
ganyan din naman kami dati, mas mahirap pa nga e..
sayang naman ang hirap ng mga magulang nyo sa pagpapaaral..
swerte pa kaya at nakakapagaral pa kayo.

hindi ko masikmura ang ganitong konsepto ng pagaaral
kung saan, nakikita ang natutunan mo sa pagbilog ng mga letra
at pagsulat ng mga talata o pangungusap sa papel.

hindi ko naman sinasabi na huwag na tayo mag-aral..
ang nais ko lamang ipamulat sa lahat ay hindi na
tama ang nagiging consepto ng tao sa pag-aaral at
ang iskwelahan.

isa rin akong mag-aaral na nais makakuha ng A
sa card, magandang trabaho at maraming pera..
pero hindi naman yata tama na isugal ko ang
edukasyon sa isang konseptong nabahiran na
ng dungis at diskriminasyon dahil sa kompetisyon
ng mga tao.

isa akong pilisopo na nakakapansin ng mga mali
sa lipunan, at isa rin akong gago dahil wala
akong magawa tungkol dito...

-just a blog, noting more than that

0 Comments:

Post a Comment

<< Home