Google

Thursday, July 7

today is thursady, 7th day of July

600am...
-pucha alas-sais na, malelate na ako neto.. hassel, bio lab (nilagay ang lab gown sa bag)
-mama, baon ko.. nandyan na pala si JR, cge maliligo na ako.
-anak yung id mo, wag mo kalimutan.. ayusin mo na rin yung pinagtulugan mo
625am
-tara J, kain na tayo.. (kinuha niya yung tubig, ako naman sa kanin)
640am
-tara, ligpit na natin, si mama na raw maghuhugas nito.. ano oras pala uwi mo?
-mga 330 siguro
-ano ba yan, hehe, 430 ako e
700am
-bilisan nyo na dyan, tayo na..
-anak, nakalock na ba mga pinto
-opo
715am
-buti nalang walang trapik, nasa katipunan na tayo
-papa pwede ikot mo nalang kami sa som, dun kami bababa.
-cge kuya mac, hintayin ko mga blockmate ko.
-cge
730am
-ok class our lab for today is about... tangina, apat na oras na impyerno nanaman.
1123am
-may meeting tayo sa c114, wala pala bat cellphone ko.. hintayin nalang natin sya dun
-cge lemarc, baka wala nanaman siya dun.. hay nako.
-nandun yan.. sana..
-o asan na, wala nanaman. ano ba yan lemarc, hindi nalang natutuloy mga meeting natin..
-pahiram nalang ng batterya para matext ko sya..
-wala magkasya, maliit pala yung batterya ko
1130am
-hay nako, wala nanaman si ser, lemarc kasi e..
-teka , titignan ko
1135am
-(lumabas ako ng classroom at nagpatungo sa may bellarmine) hay nako, ser naman...
-buti na lang at nakita ko siya sa may banda shed sa may parking malapit sa xaiver, papunta na rin pala siya sa pagmemetingan namin..
12pm
-yehey, may nalibre
-kwentuhan nalang
130
-es stat na... zzzzzzzzzzz
3pm
-...sa wakas , natapos din
307pm
-math na
-ok class, take out 1/4 sheet of paper
-tangina, ano uli yun earl, left dright plus right dleft.. ah basta.. penge nalang ng papel.
-nagets ko rin naman kahit paano
430pm
-nag yosi si benet, at kasama ko si niko. bawal yosi e.
-may nakita si benet.. hot daw, kaso sablay yung lalake.. inggit si gago, ako rin, hehehe.
-malungkot pala ang buhay namin.
515pm
-personal conversation w/ niko
-lems, basta wag kang magkakamali sa muslim, haha
-san ka niks..
-nasa national kapatid ko.
-cge sama na ako...
520pm
-[sa national]cge lems, una na ako, nandyan na sya.
-cge ingat..
-tumingin ng mga libro
620pm
-uy, paolo.. nandito pala kayo.. uy jerome..
-ano ginagawa nyo dito?
-may sinamahan lang, bibili ng libro
-jerome, sa may angono pala daan mo, cge sbay na tayo umuwi..
-kunin na natin mga bag natin..
-oy, number 143 pala ako.. hahaha. astig
640pm
-[paolo]uy mini stop, kain tayo gusto nyo
-cge, ok lang..
-miss, siopao nga tsaka iced tea..
-ayan, may barya na pauwi..
700pm
-eto jerome, sta lucia, dito na tayo sumakay..
-hassel, traffic..
-oo nga e.
720pm
-cge lemarc, dito na ako
-cge, doon ako sa may foot bridge. bye, ingat.
-cge, salamat.
727pm
-ma, bayad ho..
-walang sukli?
-walang barya e, eto.. [nalugi pa siya, 5 pesos lang nabayad ko]
-[pero nabawi din niya sa ibang nakasakay, walang barya e.. kaya quits lang]
740pm
-ma, dyan nalang ho.. salamat
-tawid na!
750pm
-tangina naman, dami aso sa daan (mga anim, tapos yung dalawa dun, nagmamate..)
-[kaya binagalan ko lakad ko at may nakasabay na dalawang mama] dami aso e, hehe
-[tapos may isang tahol ng tahol, parang kakagat na]
-sabi nung mama, pag kinagat ako nito, yayariin ko 'to e..
-lakad lang..
755pm
-si Jr tita nitz?
-nasa bahay nyo na..
-ano ginagawa?
-ewan..
-manong basing, nasan si J?
-ayan, nagluluto sa likod..
8pm
-uy, kumain na ako.. ano yan.
-corned beef
-linagyan mo ba ng bawang at sibuyas?
-ah...
-o sige.. wag na, ok na yan.
-sabagay, kaming dalawa naman ang kakain..
820pm
-ay sarap..
-bukas aircon
-kain ng nerds..
-ano kaya pwede mapanood..
-hassel naman 'tong oceans eleven, ayaw gumana..
-etong you've got served nalang..
1020pm
-nandito na pala kayo..
-san ka kumain..
-dun lang sa may katipunan
-internet
-blog
1028pm
-di ko pa alam mga gagawin ko e, pero sana ganito rin kalabo...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home