paalam, mahal kong dyip.
sabi ko sa tatay ko, tinatamad na ako mag-commute.
e madali pala siya kausap. sabi niya, mag-drive na ako.
tapos wag daw ako mag-alala, by july, insured na ako.
pero parang mamimiss ko rin yung pag-sakay sa dyip
at makinig sa mga bagong tugtugin ngayon(parang kanta).
siguro ayaw na niya mag-drive sa katipunan. grabe din kasi
ang pagkabangga sa kanya. hanggang sa casa, nagagalit
pa rin siya. kaya magdrive na raw ako.
nagtaka nga ako e, kanina lang kami nag-uasp, pagkatapos
niya ipaayos yung kotse. baka pag pasukan na, may dala na akong
kotse.
talagang mamimiss ko rin yung pagkokommute.
kasi:
- mula college hanggang sa may sakayan(sa may LRT), linalakad ko lang. o yun yung "me time" ko kung saan nakakapag-munimuni ako.
- hindi ko na makikita ang mga wonderful passengers of the jeepney.
- hindi na ako magkakaroon ng "adventures" na si carlo at mga magulang ko lang ang nakakaalam.
- mahal ang gas
- hindi na ako makakasali sa mga strike sa pag-baba ng pamasahe kasi hindi na nga ako mag-kokommute. useless kumbaga.
- hindi pa ako nakakasabit sa jeep mula katipunan hanggang sa amin. (susubukan ko rin yan one of these days.)
- hindi na ako makakapunta sa lugar na hindi ko pa napupuntahan kasi maling jeep ang nasakayan ko. (nakaabot nga ako sa taytay e.)
3 Comments:
astig!! pwede ka na mag-drive!!
ok lang yan. pwede ka pa naman maglakad around campus. marami kang "me time" pag ganun
pwede naman magkaroon ng adventures pag ikaw na ang nagd-drive =)
oo mahal ang gas...hehe
hindi useless ang pagsali sa strike kasi nakakatulong ka sa iba =)
er, sabit ka nalang sa car mo? o_O labo...
pwede ka rin makapunta sa ibang lugar na hindi mo napuntahan...kung mali ang madaanan mo. XD yikes
McDo...yummmmmmm =P~
hahaha. dami mo suggestions ah.nice.
:)
pare masarap mag jeep...
Post a Comment
<< Home