Google

Sunday, June 26

barya lang po sa umaga

sa lahat ng karatula
sa lahat ng pampasada
isa lang ang kanilang ibinabandera
'barya lang po sa umaga'.

piso piso lang
isa isa lang.
sakay na!
kaliwa't kanan pa yan!

pakiayos lang ang upo,
may papasok na lumpo.
tabi rito,
para doon.

sakay rito,
baba doon.

tanghali na,
kulang pa ang pinaghirapan.
tama na ang barya,
pakilabas na ang tunay na pera.

sabay sabay na.
sakay na!
kaliwa't kanan pa yan!

huling hirit para may pang hithit,
bahala na ang sikmura
mahalaga ang pang toma!

tama!
tama!
basta driver sweet lover.

mag gagabi na,
huling hirit na sa kalsada,
eto na mga kaibigan,
tapakan na ang gasolina.

teka
teka,
putangina, dahan dahan lang pala,
mahal pala ang gasolina.
o mahirap na,
baka maubos ko ang pangtoma.

tulakan na.
sakay na!
uwian na!
kaliwa't kanan pa yan!

iba talaga sa jeep natin,
hindi lang pampasada,
pang PARTY pa!
lakasan na ang tugtog sa stereo,
sabayan ang piling piling mangaawit
Guns and Roses, The Eagles, Air Supply at si bayani agbayani.

ang lakas ng sounds pare,
parang sasabog na ang eardrums ni mare.
iba talaga sa jeep

hindi lang beep beep ang
busina ng
jeep.

haay salamat, tapos na ang araw.
tambay na sa kanto,
inom ng kwatro kanto.

paguwi sa bahay,
'pasensya na dear, mahirip kumita'
di bale may bukas pa
'barya lang po sa umaga'



yan ang mahirap sa buhay, na pupunta sa mga luho ang kinikita at nakakalimutan na ang dahilan kung bakit kumakayod maghapon. lahat naman ng tao, ganyan paminsan. mukhang wala nanaman ako magawa ngayon. dapat kasi ako nalang ang presidente ng pilipinas, qualified naman ako. 'i can read and write..' ok na yun diba?

2 Comments:

At 2:08 PM, Anonymous Anonymous said...

hoy basket every t-th ah. -myko

 
At 4:56 PM, Anonymous Anonymous said...

cge, anong oras?

 

Post a Comment

<< Home