Google

Tuesday, October 25

tasty

kasi bumili kagabi ng tinapay.. tapos sabi ni mama,
bibili daw ng tasty..

edi napaisip ako.. bakit naman "tasty" ang tawag dito?


bakit ang tawag natin sa tinapay ay

"tasty" ?

kasi kung tutuusin at titikman ang isang
pirasong tinaguriang "tasty" wala naman
itong kalasa-lasa. hindi ba ang kahulugan
ng "tasty" ay malinamnam.. masarap.. malasa kumbaga.

ang problema kasi sa atin, tinanggap na natin na "tasty"
nga ang itatawag sa minasang harina na naluto sa
isang pugon o oven.

siguro kung may palaman, e ok na tawaging "tasty" kasi
may lasa na.

baka ganyan din ang pilipino, feeling
tasty minsan..

wala naman kalasa-lasa.

2 Comments:

At 7:38 PM, Anonymous Anonymous said...

bakit nga ba "tasty" yung tawag sa tinapay? o_O

 
At 12:49 PM, Blogger lemarc said...

di ko rin alam e. hehe

 

Post a Comment

<< Home